El filibusterismo kabanata 5 buod
1. El filibusterismo kabanata 5 buod
Kabanata 5 El Filibusterismo
“Ang Nochebuena ng isang Kuchero”
Buod:
Maaga pa sana ay nakarating na si Basilio sa tahanan nina Kapitan Tiago, ngunit ang kalesang kanyang sinasakyan ay naantala dahil sa kapabayaan ng kuchero naiwan kasi nito ang kanyang sedula.at ayaw naman niyang maglagay sa mga mapagsamantala.Kaya siya ay binugbog ng mga guwardiya sibil.Kahit
Iika-ika sa sakit napala at nangingilig ang luha,pinilit niyang ngumiti dahil nakita niyang hinintay siya at hindi iniwan ng pasaherong isang tunay na kaibigan. At muli ay pinatakbo na nang kuchero ang kanyang kalesa.dahil bisperas ng pasko noon ay muli nanaman silang naantala sa daan dahil sa prusisyon kaya napilitan nalang na iparada ng kuchero sa tabi ng puno ng avocado.
Ang kaunahan sa mga rebulto na ipinarada ay si Metuselah. Isa itong matandang lalaki na may mahabang balbas. Nakaupo ito sa gilid ng isang hukay.Kapansin-pansing katabi ng santo angg kaniyang kalanpalayok,batong pambayo at kalikut.Sinasabing kung may Noel daw sa Ikonograpiyang Europeo,may methuselah naman ang mga Pilipino. Tinanong ng Kuchero kay Basilio kung sino ang Santong iyon,sabi ni Basilio na si Metuselah iyon, Ayon sa Kutsero wala daw sigurong guwardiya sibil noong dahil kung meron nahuli na ito sa haba ng balbas. Napangiti lamang si Basilio sa biro ng Kutsero. Kasunod ang tatlong haring mago at may kumento rin dito ang kutsero.wala din daw guwardiya sibil noon tiyak na di nila papayagang maghari harian ang sinumang maitim na tulad ng isang imaheng yan na ang tinutukoy ay si Gaspar at Baltasar.Kasunod ang Karosa ni San Jose na may malungkot na mukha ayon sa kuchero siguro ang dalawang guwardiya sibil na nasa magkabilang tabi ng santo ang dahilan kung bakit malungkot ito.At bilang parangal sa kapanganakan ni Hesus ay nasa hulihan ng mga karo ang imahen ni Birheng Maria. Naardornohan ng mahahabnag pakpak ang malapad na sumbrerong isinuot sa ulo nito upang bigyan diin na nagdadalangtao ang in ani Kristo.
Nang makadaan na ang mahabang prusisyon ay pinaandar na ulit ng kuchero ang kanyang kalesa hindi pa ganun kalayo ang tinatakbo nila ay muli nanamang nasita ito ng mga guwardiya sibil dahil namatay pala ang ilaw sa lampara. Hinihingan nanaman siya ng lagay .Pero talagang matibay ang kutsero wala sa kanyang lagay lagay kung siya ay dadagukan o at bubuntakin kaniya itong tatanggapin. Sa awa sa kutsero ni Basilio ay dinoble na lamang niya ang bayad dito
Napansin ni Basilio na tanging ang bahay laman ni kapitan Basilio ang kakikitaan ng rangya sa disperas ng pasko,Nakita niya si Sinang na lumabas ng veranda na anak ni kapitan Basilio, sa hindi inaasahan ay natanaw din ni Basilio sina Padre Salvi ng simbahan at Alferes ng military at nandun din ang mag aalahas na si Simoun masayang ang tatlo habang nagkakainan at nag iinuman.
Ang pina uusapan nila ay ang mga panindang alahas ni Simoun.Bibili raw ng magandang relo ang alferes at isang pares ng hikaw naman ang gusto ni padre Salvi. Pawisan si Basilio ng sapitin ang bahay ni Kapitan Tiyago.At malungkot na ibinalita ng katiwala kay Basilio ang pagdakip ng mga tulisan kay Kabesang Tales.Naalala ng binata si Juli ayon sa kanya ay pinalungkot siya ng balitang iyon. Hindi pa nagsisimula ang hapunan ay tumindig na si Basilo sa hapagkainan.at dali dali itong pumasok sa silid pahingahan.bimuksan niya ang bintana at pinagmasdan ang abot tanaw na bayan ng sagpang,na pakiwari niya ay humihikbi sa kalungkutan.
Buksan para sa karagdagang kaalaman:
https://brainly.ph/question/2078009
https://brainly.ph/question/513271
https://brainly.ph/question/538781
Ang Buod ng Kabanata 5 ng El Filibusterismo:
Prusisyon na para sa Noche Bunea. Ipinarada na ang mga imahen:
Matusalem- ang pinakamatandang tao na nabuhay kailanman
Tatlong Haring Mago
Ang Birheng Maria.
Nakikita ni Basilio ang ilang kalagayan gaya ng pakikipag-usap ni Simoun kay Kapitan Basilio tungkol sa binibiling alahas.
Nakikita din ni Basilio ang maliwanag at abalang bahay ni Kapitan Basilio ahil sa pagkatay ng hayop para sa handa.
Gayundin, makikita ang marahas na pakikitungo sa mga mahihirap na kutsero. Kailangan pa silang bugbugin dahil nga sa hindi mahusay na pagtatrabaho.
2. el filibusterismo kabanata 1 buod
Answer:
San po ung tanong?
Explanation:
Answer:
buod
Explanation:
Umaga ng disyembre.Sa ilog pasig ay sumasalunga bapor tabo.Lulan nito sa kubyerta sina Don Costodio,Ben Zayb,P. irene,P. Salvi,Donya Victoria,Kap.Heneral at Simoun.
Napagusapan ang pagpapalalim ng ilog pasig.Mungkahi ni Don Costodio:mag-alaga ng itik.Ani Simoun namang kilalang tagapagpayo ng kap.Heneral:gumawa ng tuwid na kanal na maguugnay sa lawa ng laguna at sa look maynila.NAgkasagutan sila Don COstodio at ng ilang pari.Ayaw ni Donya Victoria na matuloy ang pagaalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
3. buod ng kabanata 5 el filibusterismo
Kabanata 5 El Filibusterismo
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilakad na ang prusisyong pang-noche Buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga Guwardiya Sibil. Idinaan ang imahen ni Matusalem, ang pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalala kay Sinan gang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malungkot sap ag-ilaw. Si San Jose naman kasunod ang mga batang may parol, nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon napuna ng mga sibil na walang ilaw ang parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutserong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio. Tanging bahay ni Kapitan Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay, nasilip niya na ang kapitan ay nakikipag-usap sa kura, alperes at kay Simon, nagkakaunawaan na tayo G. Simon, ani ni Kapt. Basilio, tutungo tayo ng Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares naman ng hikaw ang pinapabili ng kura.
https://brainly.ph/question/1649624
4. kabanata 9 el filibusterismo buod
Kabanata IX Ang mga Pilato
Buod
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.
Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.
https://brainly.ph/question/1358188
5. buod ng kabanata 5 ng el filibusterismo
El Filibusterismo: Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Buod:
Ang kabanatang ito ay tungkol kay Sinong na isang kutsero. Siya ang kutsero ng karitela kung saan lulan si Basilio. Nang gabing iyon, si Basilio ay pupunta sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang alagaan ang matandang don sapagkat ito ay may sakit. Sa daan ay naantala si Basilio matapos na ang isang kutsero ay bugbugin ng mga guwardiya sibil sapagkat hindi nito nadala ang kanyang sedula. Bukod dito ay mayroon ding prusisyon ng mga imahen na pinangunahan ng imahaen ni Metusalem na pinaniniwalaang ang pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo. Ito sy sinundan ng imahen ng tatlong haring Mago. Sa dulo ng prusisyon ay ang imahen ng Birheng Maria.
Matapos ang prusisyon ay napansin ng mga guwardiya sibil na walang ilaw ang karitela ni Sinong kaya naman napilitan ang binate na lakarin na lamang ang daan patungo sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Naiwan si Sinong upang tanggapin ang parusang ipapataw sa kanya ng mga guwardiya sibil. Sa kanyyang paglalakad ay nabaling ang pansin ni Basilio sa tahanan ni Kapitan Basilio sapagkat iyon lamang ang bukod – tanging masaya. Sa di – kalayuan ay natanaw ni Basilio sa loob ng tahanan ni Kapitan Basilio na naroon ang alperes, ang kura, at si Simoun. Si Simoun na para sa kanya ay may nakakatakot na pagkatao. Naulinigan niya na ang alperes at inuutusan ng kura na bumili ng isang pares ng hikaw.
Sa wakas ay narating ni Basilio ang tahanan ni Kapitan Tiyago. Dito ay tinanggap niya ang ulat ng matandang katiwala na may mga kalabaw na namatay, mga katulong na dinala sa kulungan, at matandang tanod sa gubat. Nabalitaan din niya na binihag si Kabesang Tales ng mga tulisan. Nang gabing iyon ay hindi na tumikim ng pagkain si Basilio dala na rin marahil ng labis na pagod.
Keywords: Basilio, kutsero, sedula
Mga Tauhan ng Kabanata 5 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/287125
6. El filibusterismo kabanata 35 buod
Ang kabanata 35 ng El Felibusterismo ay umiikot sa isang pagdiriwang na dinaluhan ng halos lahat ng miyembro ng alta-sociedad kabilang na ang Kapitan Heneral. Nandoon din si Simoun na may bitbit na lampara na sobrang nagustuhan ng lahat. Inilagay niya ito sa gitna ng mesa at umalis din ng di namamalayan ng iba. Ngunit biglang namatay ang lampara. Nagsigawan ang lahat at bigla may kumuha ng lampara at tumakbo papunta sa ilog. Hindi ito nakilala ng lahat.
7. SARILING BUOD SA KABANATA 1-10 NG EL FILIBUSTERISMO(Buod)
Answer:
Answer:Kabanata ISa Ibabaw ng KubyertaBuodUmaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben .
8. Kabanata 29 el filibusterismo buod?
Kabanata 29: Ang Huling Pati-Ukol kay Kapitan Tiago
Naging abala ang marami sa libing ni Kapitan Tiago. Ang kanyang mga naiwang kayamanan ay napunta sa Sta. Clara, sa mga arsobispo, sa Papa, at mga pari. Ang natirang 20 piso ay napunta sa mga estudyanteng mahirap. Ang 25 pisong pamana kay Basilyo ay inalis ni Kapitan Tiyago, ngunit isinauli rin ni Padre Irene.
Maraming usapin sa burol ni Kapitan Tiyago, gaya ng nakita ang kaluluwa ito na nanliliwanag. Ito raw ay utang sa mga napamisa niya. Ang iba naman ay nakita ang kaluluwa niyang hawak ang panabong na manok. Sinabi ng iba na hahamunin daw ni Kapitan Tiago si San Pedro ng sabong.
Naging marangya ang kanyang libing. Maraming winisik na agua bendita at mga insensong sinunog. Mayroon ding padasal at paawit. Kaya naman ang mortal na katunggali niyang si Donya Patrocinio ay lubang nainggit na nais na rin niyang mamatay upang marangya ring mailibing.
Upang basahin ang aral ng kabanata, magtungo sa link na ito: https://brainly.ph/question/1319910
9. 1-10 kabanata buod ng el filibusterismo
Answer:
Kabanata I
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buod
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
Kabanata II
Sa Ilalim ng Kubyerta
BuodTinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2) estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.
Kabanata III
Ang mga Alamat
BuodDinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento.
Kabanata IV
Kabesang Tales
BuodSi Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak.
Explanation:
hope it helps
10. el filibusterismo buod kabanata 1-39
Answer:
El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata at mga Talasalitaan
Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Kabanata 3: Alamat ng Ilog Pasig
Kabanata 4: Si Kabesang Tales
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Masayang Pasko
Kabanata 9: Si Pilato
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 11: Sa Los Baños
Kabanata 12: Placido Penitente
Kabanata 13: Klase sa Pisika
Kabanata 14: Isang Tahanan ng mga Mag-aaral
Kabanata 15: Ginoong Pasta
Kabanata 16: Ang Kapighatian ng Isang Intsik
Kabanata 17: Ang Perya
Kabanata 18: Mga Pandaraya
Kabanata 19: Ang Lambal
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay
Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila
Kabanata 22: Ang Palabas
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 24: Mga Pangarap
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Kabanata 26: Mga Paskin
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 28: Pagkatakot
Kabanata 29: Mga Huling Salita Tungkol Kay Kapitan Tiago
Kabanata 30: Si Huli
Kabanata 31: Mga Mataas na Kawani
Kabanata 32: Mga Ibinunga ng mga Paskin
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
Kabanata 34: Ang Kasal
Kabanata 35: Ang Pista
Kabanata 36: Ang Kagipitan ni Ben Zayb
Kabanata 37: Ang Hiwaga
Kabanata 38: Ang Kasawian
Kabanata 39: Wakas
Explanation:
Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay sa liku-likong daan ng Ilog Pasig patungong Laguna.
Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don Custodio, Benzayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa usapan nila ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang mga gawain ng Obras del Puerto.
Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na daan mula pagpasok hanggang sa paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay siyang gagamitin upang takpan ang dating ilog.
Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-aksaya ng malaking halagang pera. Kung hindi sapat ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng sapilitan at walang bayad
Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang iminungkahi ni Simoun dahil maaari itong magsimula ng himagsikan.
Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog Pasig. Sa gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong pagkain ng pato. Ito’y hindi rin sinang-ayunan ni Donya Victorina dahil dadami ang balot na pinandidirihan niya.
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Marami ang sakay sa ilalim ng kubyerta. Katabi nila ang mga maleta, tampipi, at bakol. Malapit sila sa makina at init ng kaldero kung kaya’t halu-halo na ang mabahong singaw ng langis at singaw ng tao. Kabilang sa naroon sina Basilio, Isagani, at Kapitan Basilio.
Tungkol naman sa Akademya ng Wikang Kastila ang paksa ng usapan nila. Sinabi ni Basilio na magbibigay ito ng salapi, ngunit ang magtuturo ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila. Ang bahay naman ay magmumula kay Makaraeg
11. El filibusterismo buod kabanata 14
El Filibusterismo: Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag – aaral
Buod:
Ang kabanatang ito ay tungkol sa tahanan ng mag – aaral na si Macaraig na siya ring tinitirhan ng iba pang binatang mag – aaral naq magkakaiba ang edad at pag – uugali. Si Macaraig ay kilala sa unibersidad bilang ang mayamang mag – aaral ng abogasya at tumayong lider ng kilusan ukol sa usapin sa Akademiya ng Wikang Kastila. Kabilang sa kilusang ito ang mga mag – aaral na sina Isagani, Pecson, Pelaez, at Sandoval. Inanyayahan ang mga ito ni Macaraig sa kanyang tahanan upang pag – usapan ang tungkol sa naturang akademiya. Naniniwala sina Isagani at Sandoval na makakamtan nila ang pag – apruba para sa paaralan samantalang si Pecson naman ay puno ng pag – aalinlangan. Si Juanito Pelaez naman ay isang mag – aaral na takot manindigan para sa kapakanan ng bayan. Si Sandoval sa kabila ng pagiging kastila ay nagpapamalas ng pagpapahalaga at malasakit sa mga Pilipino. Isa siyang manggagawa at mag – aaral na nakatira sa Espanya ngunit sa Pilipinas piniling magtapos ng pag – aaral.
Ibinigay ni Macaraig ang magandang balita na ang kurang si Padre Irene ay sumasang – ayon at sumusuporta sa kanilang layunin. Batid nila na ang pasiya ni Don Custodio ang siya nilang kailangan sapagkat siya ay kabilang sa katas – taasang lipon ng paaralan. Katunayan, ang kanyang pasiya ang siyang didinggin at susundin ng mga namumuno sa bayan kaya mahalaga ang kanyang pagpayag para sa mga mag – aaral na ito. Nais nilang gawin ang lahat para matuloy ang pagtatayo ng akademiya. Naisip nila na hingiin ang tulong ng dalawang tao. Una, si G. Pasta na isang manananggol at ang ikalawa ay si Pepay na isang mananayaw at malapit na kaibigan ni Don Custodio. Nagkasundo ang lahat na humingi ng tulong kay G. Pasta upang maging marangal ang paraan na kanilang gagamitin upang makumbinsi si Don Custodio na payagan ang pagtatayo ng akademiya ng wikang kastila.
Keywords: Macaraig, akademiya, Don Custodio
Mga Tauhan ng Kabanata 14 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/2152756
#LearnWithBrainly
12. buod ng el filibusterismo mula kabanata 1 hanggang kabanata 10
Explanation:
zoom in nio nalang po para malinaw.. sana po makatulong
13. ano ang buod ng kabanata 5 el filibusterismo
Kabanata 5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
14. Buod kabanata 13 El filibusterismo
Kabanata XIII
Ang Klase sa Pisika Buod
Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.
Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.
Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila.
Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.
Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon?
Bulong ni Pelaez: Bibingka!
Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro.
Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido.
Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama?
Iyan ang sabi ng aklat,Padre?
Ang tinggang puti ba ay kalaing?
Sabi po ng aklat.
Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre?
Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase.
Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon.
Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido.
"A... pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!" panunuya pa ng Pari.
Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam .
Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.
https://brainly.ph/question/297714
https://brainly.ph/question/515566
https://brainly.ph/question/1439154
15. buod ng kabanata 1 el filibusterismo
El Filibusterismo Kabanata 1:
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buod:
Naglalayag sa Ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun. Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ang mga tao sa Maynila, na naimpluwensyahan nito ang Kapitan Heneral.
Dahil sa kabagalan ng bapor, habang ito'y naglalakba, ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Sa kanilang usapan, iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang ang mga tao na mag-alaga ng itik. Sa ganitong paraan, huhukayin ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik. Ngunit, hindi nagustuhan ni Donya Victorina dahil nandidiri siya sa mga balot.
Ibang bersyon ng buod:
https://brainly.ph/question/2563469
16. el filibusterismo kabanata 26 buod
Answer:
Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado.
Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan.
Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.
Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.
Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan.
Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.
Aral na makukuha sa Kabanata 26:
Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.
#Keeponlearning
17. El Filibusterismo kabanata 17 buod
Ang pamagat ng Kabanata 17 ng El Filibusterismo ay “Ang perya sa Quiapo.”
Isang gabi ay nagpasiyang lumibot ang 12 tauhan na nagmula sa bahay ni Quiroga sa perya papunta sa kubol ni Mr. Leeds. Habang papunta sa perya nakita ni Padre Camorra ang naggagandahang mga dalaga sa perya, at kasabay pa nito nakita niya si Paulita kasama sina Isagani at Donya Victorina. Nabanggit niya tuloy na kalian daw kaya siya magiging kura sa Quiapo, at sabay kurot sa tiyan ni Ben Zayb.
Pinasok nila ang isang tindahan ng mga nililok na mga imahe at mga kuwadro. Inihahawig nila ang isa’t-isa sa mga nakikita nilang nililok na imahe o eskultura. May mga nakita silang kuwadro na kapansin-pansin ang mga paglalarawan at kanila itong pinagtatawanan.
Sa huli ay may nakita silang kahawig ni Simoun, nguni’t hindi nila makita ang mag-aalahas. Nasabi ni Padre Camorra na baka natakot itong pagbayarin siya sa pagpasok at paglabas sa kubol ni Mr. Leeds. Ayon naman kay Ben Zayb, baka natakot daw na matuklasan nila ang lihim ng kaniyang kaibigan na si Mr. Leeds.
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/2135429
https://brainly.ph/question/2115745
https://brainly.ph/question/2117776
18. kabanata 32 buod el filibusterismo
Kabanata 32 ng El Filibusterismo sa pinamagatang Ang Bunga ng mga Paskil
Buod:
Marami ang hindi nakasulit sa eksamin na ibinigay ng serbisyo Sibil, natuwa pa si Tadeo, sinigaan ang kanyang mga aklat, Si Pelaez naman ay napatali sa negosyo ng kanyang ama. Nagtungo naman sa Europa si Makaraig. Si Isigani naman ay sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit, si Salvador naman ay nakapasa dahil sa kahusayan nito magtalumpati.Tanging si Basilio lamang ang hindi nakakuha ng pagsusulit sapagkat siya ay nasa piitan.Doon niya nabatid ang pagkawala ni tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiyago na nabili ng ama ni Pelaez.Mula noon ay naging madalas si Smoun sa tindahan ng mga Pelaez na sabi ng iba ay pinakisamahan na niya. At tumagal nga ilang linggo ay nabalitaang ikakasal si Juanito kay Paulita . at lahat ay naghihintay sa kasal ng dalawa sapagkat si Simoun daw ang mamahala.
i-click ang link para sa karagdagang kaalamn tungkol sa El Filibusterismo
. https://brainly.ph/question/110836
. https://brainly.ph/question/582432
. https://brainly.ph/question/2110865
19. kabanata 34 el filibusterismo buod
Answer:
Ang Kasal
Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi.
Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara.
Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
#BrainlyFast
20. El filibusterismo kabanata 36 buod
El filibusterismo kabanata 36 buod
" Mga Kapighatian"
Nagtungo si Ben Zayb sa Pasig at natagpuan niya si Padre Camora na sugatan may isang maliit na sugat sa kamay at may pasa ulo. Si Ben Zayb ay naghatid ng balita na hindi naman totoo at iniiba ang kwento Ang tatlong tulisan naman ay inilahad ang itsura ng taong inanyayahan sumama sa kanila.Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila .ngunit si Simoun ay hindi matagpuan sa bahay nila. Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custudio ay naghanada ng habla laban kay Simoun . Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag aalahas Marami ang hindi makapaniwala.
i-click ang link para sa karagdagang kaalaman sa El Filibusterismo
https://brainly.ph/question/110836
https://brainly.ph/question/582432
https://brainly.ph/question/2110865
"MGA KAPAGHATIAN NI BEN ZAYB": Ito ang pamagat ng ika-tatlumpu't anim na kabanata sa nobela ng ating pambansang bayani na si Gat. JOSE RIZAL na EL FILIBUSTERISMO. Ito ay patungkol kay Ben Zayb na nagpahayag ng hindi totoong kwento ukol sa nangyari kay Padere Camarro na natagpuan niya noong siya ay patungo sa Pasig.
Dagdag impormasyon:
https://brainly.ph/question/399738
https://brainly.ph/question/1894061
https://brainly.ph/question/1256322
21. El filibusterismo kabanata 36 buod
Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral.
Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari.
Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan.
Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.
May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan. Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob.
Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Nguni’t si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya. Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.
ANG KABANATA 36 ng EL FILIBUTERISMO ay naglalaman ng kwento tungkol kay BEN ZAYB na siyang nagkalat ng hindi totoong impormasyon ukol sa kanyang nakita na sugatan na padre na si Padre Camorra. Ipinapakita dito sa kabanatang ito na walang katapatan ang mga mambabalita noong unang panahon.
Dagdag impormasyon:
https://brainly.ph/question/399738
https://brainly.ph/question/1894061
https://brainly.ph/question/1256322
22. kabanata 23 el filibusterismo buod
El Filibusterismo Kabanata 23 “ Namatay si Maria Clara
BUOD
Totoong hindi nagpunta si Simoun sa teatro, ika pito pa lamang ng gabi ay umalis na iyo ng bahay, Mapapansing malungkot siya at tila may suliranig bumabagabag, pabalik balik siya sa tirahan kahit siya ay pawisang pawisan na ang buong katawan may ilan ding nagpapatunay na natanaw nila si Simoun ng gabing dinumog ng mga manonood ang dulaaan.
Mag aalas otso ng Makita daw si simoun ng isang mangingisda na pagala-gala na malapit sa monastery habang pahinto-hintong nakikinig sa malulungkot na pagpapatugtog ng kampanero at mag aalas nwebe naman ng Makita ito ni Camaroncocido na may kausap na isang anino. At mag aalas diyes naman ng masalubong ito ng isang magsasaka na humahangos habang parang umiiwas na may makasalubong sa napakadilim na kasukalan.
Napansin ni Macaraig na hindi lamang pala si Simoun ang wala sa teartro maging si basilio ay wala rin, Pagkatapos umano na matubos nito si Juli na kanyang kasintahan ng nagpakaabala na ito sa pag-aaral sa bahay at pag aasikaso sa may karamdaman na si Kapitan Tiyago.
Dahilan kung bakit hindi nakapunta si Basilio sa TiatroNagbabantay si basilio sa may sakit na si kapitan Tiyago nagging bugnutin ito dahil binabawasan ni Basilio ang pagbibigay dito ng opyo, napipilitan lamang itong bigyan ang matanda kung nagwawala na ito at nag-iiyak at nagsisisgaw, sobrang nangayayat na ang matanda at waring nasisiraan nan g bait, Abala din noon si Basilio sa pagbabasa ng aklat na Medicina Legal Toxicologia, ang nasabing aklat na ito ay na hiram lamang sa kanyang propesor na si Dr. Mata na kailangan niyang ibalik sa mas lalong medaling panahon.
Ang pagdating ni Simoun sa bahay ni Kapitan TiyagoNagulat si Basilio ng Makita niya kung sino ang panauhin, nangamusta si Simoun tungkol kay kapitan Tiyago, di pa natatapos sa pagsasalita si Basilio ay pinutol na iyon ni Simoun sinabi niyang bakit hindi binabasa ni Basilio ang ipinadala niyang aklat ang tinutukoy ay ag ipinagbabawal ng pamahalaan na babasahin, Ipinagtapat din ni simoun nan a sa iasang hudyat lamang niya ay sasabog na rebolusyon kaya siya ang naatasan ni Simoun na magtatakas kay Maria Clara upang itakas ito.
Nalaman ni Simoun na patay na si Maria ClaraIkinalulungkot na ibinalita ni Basilio kay Simoun na huli na ang lahat sapagkat pumanaw na si Maria Clara at kaninang alas sais ay binibihisan na siya , Hindi matanggap ni Simoun ang balita habang luhaan ay binabanggit niya na hindi pwedeng mamatay si Maria Clara narito ako upang iligtas siya, nagdurugo ang pusong tumakbo siya palabas
Habang tinatanaw ang papalayong aninu sa lansangan ay nagbalik sa alaala ni Basilio ang dakilang pagmamahalan nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra, Edukadong tao si Ibarra matalino at mayaman habang si Maria clara ay isang babaeng mahinhin , maganda,mayaman at kagalang-galang.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Isyung panlipunan sa el filibusterismo kabanata 23 https://brainly.ph/question/2154215
El filibusterismo kabanata 23 talasalitaan meaning https://brainly.ph/question/2104715
https://brainly.ph/question/2103729
23. Buod ng el filibusterismo kabanata 1-10
Answer:
Kabanata I
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buod
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
Kabanata II
Sa Ilalim ng Kubyerta
BuodTinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2) estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.
Kabanata III
Ang mga Alamat
BuodDinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento.
Kabanata IV
Kabesang Tales
BuodSi Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak.
24. el filibusterismo buod ng kabanata 1
Kabanata 1 El Filibusterismo “ Sa Ibabaw ng Kubyerta”
BUOD
Isang umaga ng disyembre, Kapansin pansin ang isang bilugang barkong mukhang hirap sa kanyang pag-usad sa Ilog-Pasig, sakay nito ang mga taong patungong Laguna. Ang nasabing sasakyan ay kilala sa tawag na Bapor Tabo sapag hugis tabo ito. Hindi matutuligsa ang nagpapanggap na maputi,maharlika, pormal at maunlad sa likod ng pinturang puri bagaman hindi ito maituturing na isang bapor dahil ito ay may mga kakulangan.
Ang paghahambing ng Bapor Tabo sa PamahalaanMalinbaw na inihahambing ang bapor sa pamahalaan ang mga sakay nito sa ibabaw ay ang mga kilala sa lipunan ang mga prayle, kastila, may mga katungkulan sa pamahalaan at mga Pilipinong nagkukunwaring may dugong bughaw.At sa ilalim naman ng Barko matatagpuan ang mga Indiyo, mga intsik at mahihirap na mistiso, Katulad ng pamahalaan ang Bapor Tabo mabagal ang pag-usad sapagkat ang pilipinas noon ay halos hindi umuunlad, At ang bilog na hugis ng barko ay inihahalinulad sa walang malinaw na plano sa pamamalakad ng gobyerno sapagkat hindi alam ang unahan, tagiliran at hulihan na nagpapalito kung saan patungo at saan ang pabalik.
Ang pagtrato ng mga Kastila sa mga PilipinoNoon ay sobrang sama ng trato ng mga kastila sa mga Pilipino sila ay pinagtatrabaho ng walang bayad at pagkain ngunit hindi naman sila makapag reklamo sapagkat likas na sa mga kababayan natin ang pagiging matiisin at masunurin sa lahat na ipinag-uutos ng mga kastila.
Ang mga tauhan sa Kabanata 1 El Filibusterismo Simoun – ang isang napakayamang mag-aalahas, at taga payo ng kapitan Heneral na mayroong makapangyarihang tinig Padre Salvi- Isang pari na nakasakay sa itaas ng kubyerta Padre Camorra- ang paring mukhang artilyero Padre Irene- isang pari na nakasakay sa ibabaw ng kubyerta, Ben Zayb- siya ang isang manunulat na may mataas na papuri lagi sa mga pari at Don Custodio sa kanyang mga inilalathala. Don Custudio- ang isa sa mga Pilipinong may mataas na katungkulan sa pamahalaan ngunit hindi maki Pilipino. Donya Victorina- ang babaeng may mamula-mulang buhok nag kukunwaring Espanyola ngunit isa naman talagang Pilipina.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Ano ang mensahe ng el fili kabanata 1 https://brainly.ph/question/2143826
Simbolismo sa kabanata 1 ng el fili https://brainly.ph/question/2139474
25. kabanata 33 el filibusterismo buod
Buod ng Kabanata 33 ng El Filibusterismo
Kabilang sa buod ng kabanata 33 ng El Filibusterismo ay ang dalawang pangunahing tauhan na sina Simoun at Basilio. Nag-iimpake na noon ang alaherong si Simoun ng kanyang mga armas at alahas. Nabanggit rin sa kabanata 33 ng El Filibusterismo na ayaw nang manatili pa ng Kapitan Heneral sa Pilipinas dahil sa takot na kung ano pa ang masabi ng mga nakatira rito. Nakasaad rin sa buod ng kabanata 33 ng El Filibusterismo na hinhintay ni Simoun ang pagdating ni Basilio.
Karagdagang Mahalagang Kaalaman sa Buod ng Kabanata 33 ng El FilibusterismoBatid ng mga tao na may balak umalis si Simoun. Narito ang kanilang mga haka-haka:
Sa paglisan ng Kapitan Heneral, aalis na rin si Simoun sapagkat wala nang magtatanggol sa kanya laban sa mga inapi nito.Samantala, ang iba naman ay naniniwalang lilisan na si Simoun dahil naubos na ang mga kayamanang kanyang mapagsasamantalahan.Naisip naman ng iba na ito ay mananatili dahil ayaw niyang mahiwalay sa kanyang biktima.Hindi nagtagal ay dumating na rin si Basilio. Narito ang kanilang mga napag-usapan:
Nang makulong at makalaya, nagbago ang isip ni Basilio at sumang-ayon na ito sa plano ni Simoun.Dinala ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo at doon ipinakita ang mga kemikal na gagamitin sa gabi ng rebolusyon.Nakalagay sa isang lampara ang nitroglycerin na gagamitin sa piyesta sa gabing iyon.Kapag narinig ng mga kasapi ni Simoun sa bundok ang pagsabok ay susugod ang mga ito sa siyudad.Ang trabaho ni Basilio ay dadalhin ang mga tao sa bahay ni Quiroga kung nasaan ang armas ni Simoun.Si Basilio rin ang papatay sa mga taong lalaban sa kanila at sa mga hindi makikiisa.Binigyan ni Simoun ng baril si Basilio at nagplanong magkikita sa harap ng simbahan.Basahin naman ang mga nangyari sa Kabanata 14 ng El Filibusterismo dito: https://brainly.ph/question/2573807#
26. kabanata 4 el filibusterismo buod
El Filibusterismo Kabanata 4
"Kabesang Tales"
Buod:
Si Kabesang Tales na anak ni Tandang Selo na siyang umampon naman kay Basilio noong ito ay nasa gubat pa,Si kabesang Tales na ama ng dalagang si Huli, Siya ay kabesa de baranggay.Siya ay yumaman dahil sa tiyaga.Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid,ngunit ng siya ay makaipon ng kaunti naghawan ng gubat na alam niyang walang nag mamay-ari, pinagyaman niya nito.At naisip niya na pag aralin si Huli sa Maynila upang ito ay makapantay kay Basilio.Ngunit ng umunlad ang bukid na kanyang sinasaka ito naman ay inangkin ng mga prayle.Pinabuwisan ito kay Kabesang Tales noong una siya ay nakakabayad ngunit tinaasan naman ng tinaasan ng mga prayle ang buwis hanggang sa hindi na ito makaya ni Kabesang Tales.Kaya nakipag-asunto siya sa mga Prayle.
Ayon kay kabesang Tales Binungkal ko at tinaniman ang lupang ito,namatay at nalibing dito ang aking asawa at anak na dalaga,sa pagtulong sa akin kayat hindi ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna sa kanyang mga asawat mga anak
At binantayan na nga ni kabesang Tales ang kangyan bukid. Lagi na siyang may sakbat na baril . at hindi makakapasok doon ang sinuman dahil balita nga si Kabesang Tales sa pagbaril.nagdala siya ng gulok,ipinabawal ang gulok,nagdala naman siya ng palakol. at si Kabesang Tales nga ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos, Si Huli na anak niya ay isinangla ang mga alahas para matubos ang ama,maliban sa isang agnos na pag mamay ari ni Maria Clara.Ngunit hindi nagkasya ang kanyang naipong pera kaya siya ay nagpasya na mangutang kay Hermana Penchang kapalit nito ang paninilbihan niya dito bilang utusan.Sa mismong araw ng Pasko ay magsisimula ng manilbihan si Huli kay Hermana Penchang
buksan ang link para sa karagdagang kaalaman sa El Filibusterismo
https://brainly.ph/question/2078009
https://brainly.ph/question/513271
https://brainly.ph/question/538781
27. buod ng el filibusterismo kabanata 1
Answer:
Answers
El Filibusterismo–Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buon ng Kwento
Umaga at Buwan ng Disyermbre. Sa Ilog Pasig, ang Bappor Tabo ay sumasalunga. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at si Simoun.
Nag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilong pasig. Nagbigay ng mungkahi si Don Custodio na mag alaga ng itik. Si Simoun naman ang kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral na gumawa ng tuwid na kanal na mag-kokonekta sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.
Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw naman ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng mga pato dahil dadami raw ang balot na kinadidirihan niya.
28. kabanata 30 el filibusterismo buod
Narito ang buod ng Kabanata 30 ng nobelang El Filibusterismo na "Si Huli"
Kumalat agad ang balitang inilibing na si kapitan Tiago at nadakip si Basilio. Nang malaman ni Huli ang balita, naisip niyang siya ang dahilan ng pagkahuli ng binata. Nalaman din ito ng mga kamag-anak ni Basilio anupat nag-ambagan ang mga ito. Lumapit naman si Huli sa Hukom tagapamayapa para humingi ng tulong ngunit sinabing kay Padre Camorra lumapit. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang pumunta sa pari. Kinagabihan ay kumalat na ang balitang tumalon si Huli sa bintana ng kumbento at namatay ito.
https://brainly.ph/question/1296159
https://brainly.ph/question/2148434
https://brainly.ph/question/1394537
29. kabanata 21 el filibusterismo buod
Buod ng Kabanata 21 ng El Filibusterismo
Nabibilang sa buod ng kabanata 21 ng El Filibusterismo ang mga tauhan na sina Camarroncocido at Tiyo Kiko na pawang mga tagapaskil sa dingding. Sa buod ng kabanata 21 ng El Filibusterismo, makikitang may palabas nang gabing iyon sa Teatro de Variedades. Itatampok ang Les Cloches de Corneville na kilala sa mga Pranses sa mundo ng dulaan.
Ngunit batid sa kabanata 21 ng El Filibusterismo ang pagkakahati ng Maynila dahil sa dulang ito.
Tutol ang mga prayle at iba pang mga kilalang taong tulad ni Don Custodio dito dahil sa may kasagwaan at taliwas sa moralidad. Samantala, sang-ayon naman ang iba tulad ni Ben Zayb, mga sundalo, ang mga walang asawa, at ibang matataas na tao.Mga Kabilang sa Buod ng Kabanata 21 ng El FilibusterismoMababatid rin sa buod ng kabanata 21 ng El Filibusterismo ang tauhan na si Tadeo na nagsasabing kilala ang lahat ng mga taong dumalo sa palabas na iyon. Ani niya:
Si Pepay ay tumigil na sa pananayaw dahil sa utos ng isang katolikong senyor.Si Ben Zayb ay isang magaling na manunulat.Si Padre Irene ay naglagay ng pekeng bigote upang hindi makilala.At iba pa na ang mga pangalan ay hindi nabanggit.Naroon rin sina Makaraig, Sandoval, Pecson, at Isagani.Narito naman ang buod ng Kabanata 33 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/2581359#
30. kabanata 28 el filibusterismo buod
El Filibusterismo Buod
Kabanata 28
Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan.
Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari.
Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito.
Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis na ito agad.
Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari.
May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon.
Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.
Para sa karagdang impormasyon maaaring gamitin ang sumusunod na datos:
https://brainly.ph/question/2138156