buod ng el filibusterismo kabanata 8
1. buod ng el filibusterismo kabanata 8
El Filibusterismo Kabanata 8 “ Maligayang Pasko”
Noong umagang iyon ay nagising si Juli sa mga tilaaok ng manok . Iginala niya ang kanyang paningin at nakita niyang madilim pa ang paligid. At ang una niyang naiisip ay baka nga nag mimilagro na ang mahal na Birhen at hindi na aaraw pa . naupo muna siya sa hinigaang banig sumandal siya sa dingding at nagdasal. Pagkatapos ay tumindig siya dali daling nagtungo sa batalan. Luminga linga ang dalaga at at nakita niyang unti unti ng nagliliwanag ang paligid naiiisip niya wala ng pag asa bigo siya sa kanyang hinihiling n asana ay huwag ng mag umaga, pero bigla niyang naiisip na meron pa nga pala siyang isang kahilingan. Dali dali siyang pumunta sa altar sapagkat humiling siya ng pera sa mahal na birheng maria pero bigo siya dahil wala siyang nakitang kahit isa mang lapis a altar.
Ang Mga Inisip ni Juli para di siya malungkot sa kanyang pag alis.Walang nagawa si Juli kundi ang magsimula ng mag intindi ng kanyang almusal at mga gamit sapagkat ang araw na iyon ang araw na siya ay maninilbihan na sa isang mayaman. Inisip na lamang niya para di siya malungkot na di naman siya lalayo madadalaw parin niya ang lolo niya kung nanaiisin niya, At tiyak naman niyang maiintindihan siya ng kanyang kasintahan na si Basilio dahil alam naman nito ang sinapit ng kanyang ama, lalo pa at ang sabi sa kanya ni Basilio na magsusunog ito ng kilay para makapagtapos ng pag aaral at magiging Doctor at di na daw kakailanganin ng kanyang ama ang mag bungkal ng lupa, umalis na siya ng araw na iyon iniwan niya ang kanyang lolo na malungkot na naka tingin sa kaniya.
Si Tandang Selo ng umalis si JuliNag paalam na ang kanyang apo para lumuwas at para manilbihan sa ibang tao, lungkot na lungkot si tandang Celo pagkat pasko noon di na nga siya naalalang baitiin ng kanyang apo bago umalis sumilip siya sa bintana at nakita niya ang ibang bata at matatanda na bihis na bihis nakaramdam siya ng lungkot isinara nalamang niya ang bintana para di Makita ang mga tao, ngunit ng Makita niya ang kanyang mga kamag anak at akmang babatiin niya ang mga ito walang lumalabas na boses sa kanyang mga bibig, na pipi si Tandang Celo dahil sa labis na kalungkutan at pagdadalamhati na sinapit ng kanyang pamilya.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Kabanata 8 el filibusterismo https://brainly.ph/question/2111068
Explanation kabanata 8 el filibusterismo https://brainly.ph/question/2120154
2. buod ng el filibusterismo kabanata 8
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
3. Kabanata 8 el filibusterismo buod brainly?
Answer:
Tauhan:
Juli
Tandang Selo
Buod:
Hindi na sinagot ang hiling ni Juli sa birhen. Hindi pa Rin nakakalaya ang kanyang ama, kaya't patuloy pa rin siyang nagpapaalila sa kanyang amo. Si Tandang Selo naman ang sobrang nalungkot sapagkat siya'y nag-iisa lamang sa pasko. At dahil sa kanyang pagkalungkot siya'y napipi.
4. buod ng kabanata 8 ng el filibusterismo
Answer:
Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
5. Buod ng Kabanata 8-14 ng El Filibusterismo
Answer:
Paki click na lang po ng pic
8-12 lang po yan hindi na po ma i save yung 13-14
Explanation:
Mahirap po mag research
I Hope It Helps
Paki Follow at Brainliest na rin po
6. kabanata 9 el filibusterismo buod
Kabanata IX Ang mga Pilato
Buod
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.
Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.
https://brainly.ph/question/1358188
7. El filibusterismo kabanata 36 buod
El filibusterismo kabanata 36 buod
" Mga Kapighatian"
Nagtungo si Ben Zayb sa Pasig at natagpuan niya si Padre Camora na sugatan may isang maliit na sugat sa kamay at may pasa ulo. Si Ben Zayb ay naghatid ng balita na hindi naman totoo at iniiba ang kwento Ang tatlong tulisan naman ay inilahad ang itsura ng taong inanyayahan sumama sa kanila.Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila .ngunit si Simoun ay hindi matagpuan sa bahay nila. Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custudio ay naghanada ng habla laban kay Simoun . Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag aalahas Marami ang hindi makapaniwala.
i-click ang link para sa karagdagang kaalaman sa El Filibusterismo
https://brainly.ph/question/110836
https://brainly.ph/question/582432
https://brainly.ph/question/2110865
"MGA KAPAGHATIAN NI BEN ZAYB": Ito ang pamagat ng ika-tatlumpu't anim na kabanata sa nobela ng ating pambansang bayani na si Gat. JOSE RIZAL na EL FILIBUSTERISMO. Ito ay patungkol kay Ben Zayb na nagpahayag ng hindi totoong kwento ukol sa nangyari kay Padere Camarro na natagpuan niya noong siya ay patungo sa Pasig.
Dagdag impormasyon:
https://brainly.ph/question/399738
https://brainly.ph/question/1894061
https://brainly.ph/question/1256322
8. El filibusterismo kabanata 5 buod
Kabanata 5 El Filibusterismo
“Ang Nochebuena ng isang Kuchero”
Buod:
Maaga pa sana ay nakarating na si Basilio sa tahanan nina Kapitan Tiago, ngunit ang kalesang kanyang sinasakyan ay naantala dahil sa kapabayaan ng kuchero naiwan kasi nito ang kanyang sedula.at ayaw naman niyang maglagay sa mga mapagsamantala.Kaya siya ay binugbog ng mga guwardiya sibil.Kahit
Iika-ika sa sakit napala at nangingilig ang luha,pinilit niyang ngumiti dahil nakita niyang hinintay siya at hindi iniwan ng pasaherong isang tunay na kaibigan. At muli ay pinatakbo na nang kuchero ang kanyang kalesa.dahil bisperas ng pasko noon ay muli nanaman silang naantala sa daan dahil sa prusisyon kaya napilitan nalang na iparada ng kuchero sa tabi ng puno ng avocado.
Ang kaunahan sa mga rebulto na ipinarada ay si Metuselah. Isa itong matandang lalaki na may mahabang balbas. Nakaupo ito sa gilid ng isang hukay.Kapansin-pansing katabi ng santo angg kaniyang kalanpalayok,batong pambayo at kalikut.Sinasabing kung may Noel daw sa Ikonograpiyang Europeo,may methuselah naman ang mga Pilipino. Tinanong ng Kuchero kay Basilio kung sino ang Santong iyon,sabi ni Basilio na si Metuselah iyon, Ayon sa Kutsero wala daw sigurong guwardiya sibil noong dahil kung meron nahuli na ito sa haba ng balbas. Napangiti lamang si Basilio sa biro ng Kutsero. Kasunod ang tatlong haring mago at may kumento rin dito ang kutsero.wala din daw guwardiya sibil noon tiyak na di nila papayagang maghari harian ang sinumang maitim na tulad ng isang imaheng yan na ang tinutukoy ay si Gaspar at Baltasar.Kasunod ang Karosa ni San Jose na may malungkot na mukha ayon sa kuchero siguro ang dalawang guwardiya sibil na nasa magkabilang tabi ng santo ang dahilan kung bakit malungkot ito.At bilang parangal sa kapanganakan ni Hesus ay nasa hulihan ng mga karo ang imahen ni Birheng Maria. Naardornohan ng mahahabnag pakpak ang malapad na sumbrerong isinuot sa ulo nito upang bigyan diin na nagdadalangtao ang in ani Kristo.
Nang makadaan na ang mahabang prusisyon ay pinaandar na ulit ng kuchero ang kanyang kalesa hindi pa ganun kalayo ang tinatakbo nila ay muli nanamang nasita ito ng mga guwardiya sibil dahil namatay pala ang ilaw sa lampara. Hinihingan nanaman siya ng lagay .Pero talagang matibay ang kutsero wala sa kanyang lagay lagay kung siya ay dadagukan o at bubuntakin kaniya itong tatanggapin. Sa awa sa kutsero ni Basilio ay dinoble na lamang niya ang bayad dito
Napansin ni Basilio na tanging ang bahay laman ni kapitan Basilio ang kakikitaan ng rangya sa disperas ng pasko,Nakita niya si Sinang na lumabas ng veranda na anak ni kapitan Basilio, sa hindi inaasahan ay natanaw din ni Basilio sina Padre Salvi ng simbahan at Alferes ng military at nandun din ang mag aalahas na si Simoun masayang ang tatlo habang nagkakainan at nag iinuman.
Ang pina uusapan nila ay ang mga panindang alahas ni Simoun.Bibili raw ng magandang relo ang alferes at isang pares ng hikaw naman ang gusto ni padre Salvi. Pawisan si Basilio ng sapitin ang bahay ni Kapitan Tiyago.At malungkot na ibinalita ng katiwala kay Basilio ang pagdakip ng mga tulisan kay Kabesang Tales.Naalala ng binata si Juli ayon sa kanya ay pinalungkot siya ng balitang iyon. Hindi pa nagsisimula ang hapunan ay tumindig na si Basilo sa hapagkainan.at dali dali itong pumasok sa silid pahingahan.bimuksan niya ang bintana at pinagmasdan ang abot tanaw na bayan ng sagpang,na pakiwari niya ay humihikbi sa kalungkutan.
Buksan para sa karagdagang kaalaman:
https://brainly.ph/question/2078009
https://brainly.ph/question/513271
https://brainly.ph/question/538781
Ang Buod ng Kabanata 5 ng El Filibusterismo:
Prusisyon na para sa Noche Bunea. Ipinarada na ang mga imahen:
Matusalem- ang pinakamatandang tao na nabuhay kailanman
Tatlong Haring Mago
Ang Birheng Maria.
Nakikita ni Basilio ang ilang kalagayan gaya ng pakikipag-usap ni Simoun kay Kapitan Basilio tungkol sa binibiling alahas.
Nakikita din ni Basilio ang maliwanag at abalang bahay ni Kapitan Basilio ahil sa pagkatay ng hayop para sa handa.
Gayundin, makikita ang marahas na pakikitungo sa mga mahihirap na kutsero. Kailangan pa silang bugbugin dahil nga sa hindi mahusay na pagtatrabaho.
9. kabanata 28 el filibusterismo buod
El Filibusterismo Buod
Kabanata 28
Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan.
Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari.
Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito.
Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis na ito agad.
Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari.
May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon.
Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.
Para sa karagdang impormasyon maaaring gamitin ang sumusunod na datos:
https://brainly.ph/question/2138156
10. kabanata 23 el filibusterismo buod
El Filibusterismo Kabanata 23 “ Namatay si Maria Clara
BUOD
Totoong hindi nagpunta si Simoun sa teatro, ika pito pa lamang ng gabi ay umalis na iyo ng bahay, Mapapansing malungkot siya at tila may suliranig bumabagabag, pabalik balik siya sa tirahan kahit siya ay pawisang pawisan na ang buong katawan may ilan ding nagpapatunay na natanaw nila si Simoun ng gabing dinumog ng mga manonood ang dulaaan.
Mag aalas otso ng Makita daw si simoun ng isang mangingisda na pagala-gala na malapit sa monastery habang pahinto-hintong nakikinig sa malulungkot na pagpapatugtog ng kampanero at mag aalas nwebe naman ng Makita ito ni Camaroncocido na may kausap na isang anino. At mag aalas diyes naman ng masalubong ito ng isang magsasaka na humahangos habang parang umiiwas na may makasalubong sa napakadilim na kasukalan.
Napansin ni Macaraig na hindi lamang pala si Simoun ang wala sa teartro maging si basilio ay wala rin, Pagkatapos umano na matubos nito si Juli na kanyang kasintahan ng nagpakaabala na ito sa pag-aaral sa bahay at pag aasikaso sa may karamdaman na si Kapitan Tiyago.
Dahilan kung bakit hindi nakapunta si Basilio sa TiatroNagbabantay si basilio sa may sakit na si kapitan Tiyago nagging bugnutin ito dahil binabawasan ni Basilio ang pagbibigay dito ng opyo, napipilitan lamang itong bigyan ang matanda kung nagwawala na ito at nag-iiyak at nagsisisgaw, sobrang nangayayat na ang matanda at waring nasisiraan nan g bait, Abala din noon si Basilio sa pagbabasa ng aklat na Medicina Legal Toxicologia, ang nasabing aklat na ito ay na hiram lamang sa kanyang propesor na si Dr. Mata na kailangan niyang ibalik sa mas lalong medaling panahon.
Ang pagdating ni Simoun sa bahay ni Kapitan TiyagoNagulat si Basilio ng Makita niya kung sino ang panauhin, nangamusta si Simoun tungkol kay kapitan Tiyago, di pa natatapos sa pagsasalita si Basilio ay pinutol na iyon ni Simoun sinabi niyang bakit hindi binabasa ni Basilio ang ipinadala niyang aklat ang tinutukoy ay ag ipinagbabawal ng pamahalaan na babasahin, Ipinagtapat din ni simoun nan a sa iasang hudyat lamang niya ay sasabog na rebolusyon kaya siya ang naatasan ni Simoun na magtatakas kay Maria Clara upang itakas ito.
Nalaman ni Simoun na patay na si Maria ClaraIkinalulungkot na ibinalita ni Basilio kay Simoun na huli na ang lahat sapagkat pumanaw na si Maria Clara at kaninang alas sais ay binibihisan na siya , Hindi matanggap ni Simoun ang balita habang luhaan ay binabanggit niya na hindi pwedeng mamatay si Maria Clara narito ako upang iligtas siya, nagdurugo ang pusong tumakbo siya palabas
Habang tinatanaw ang papalayong aninu sa lansangan ay nagbalik sa alaala ni Basilio ang dakilang pagmamahalan nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra, Edukadong tao si Ibarra matalino at mayaman habang si Maria clara ay isang babaeng mahinhin , maganda,mayaman at kagalang-galang.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Isyung panlipunan sa el filibusterismo kabanata 23 https://brainly.ph/question/2154215
El filibusterismo kabanata 23 talasalitaan meaning https://brainly.ph/question/2104715
https://brainly.ph/question/2103729
11. kabanata 21 el filibusterismo buod
Buod ng Kabanata 21 ng El Filibusterismo
Nabibilang sa buod ng kabanata 21 ng El Filibusterismo ang mga tauhan na sina Camarroncocido at Tiyo Kiko na pawang mga tagapaskil sa dingding. Sa buod ng kabanata 21 ng El Filibusterismo, makikitang may palabas nang gabing iyon sa Teatro de Variedades. Itatampok ang Les Cloches de Corneville na kilala sa mga Pranses sa mundo ng dulaan.
Ngunit batid sa kabanata 21 ng El Filibusterismo ang pagkakahati ng Maynila dahil sa dulang ito.
Tutol ang mga prayle at iba pang mga kilalang taong tulad ni Don Custodio dito dahil sa may kasagwaan at taliwas sa moralidad. Samantala, sang-ayon naman ang iba tulad ni Ben Zayb, mga sundalo, ang mga walang asawa, at ibang matataas na tao.Mga Kabilang sa Buod ng Kabanata 21 ng El FilibusterismoMababatid rin sa buod ng kabanata 21 ng El Filibusterismo ang tauhan na si Tadeo na nagsasabing kilala ang lahat ng mga taong dumalo sa palabas na iyon. Ani niya:
Si Pepay ay tumigil na sa pananayaw dahil sa utos ng isang katolikong senyor.Si Ben Zayb ay isang magaling na manunulat.Si Padre Irene ay naglagay ng pekeng bigote upang hindi makilala.At iba pa na ang mga pangalan ay hindi nabanggit.Naroon rin sina Makaraig, Sandoval, Pecson, at Isagani.Narito naman ang buod ng Kabanata 33 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/2581359#
12. El filibusterismo buod kabanata 14
El Filibusterismo: Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag – aaral
Buod:
Ang kabanatang ito ay tungkol sa tahanan ng mag – aaral na si Macaraig na siya ring tinitirhan ng iba pang binatang mag – aaral naq magkakaiba ang edad at pag – uugali. Si Macaraig ay kilala sa unibersidad bilang ang mayamang mag – aaral ng abogasya at tumayong lider ng kilusan ukol sa usapin sa Akademiya ng Wikang Kastila. Kabilang sa kilusang ito ang mga mag – aaral na sina Isagani, Pecson, Pelaez, at Sandoval. Inanyayahan ang mga ito ni Macaraig sa kanyang tahanan upang pag – usapan ang tungkol sa naturang akademiya. Naniniwala sina Isagani at Sandoval na makakamtan nila ang pag – apruba para sa paaralan samantalang si Pecson naman ay puno ng pag – aalinlangan. Si Juanito Pelaez naman ay isang mag – aaral na takot manindigan para sa kapakanan ng bayan. Si Sandoval sa kabila ng pagiging kastila ay nagpapamalas ng pagpapahalaga at malasakit sa mga Pilipino. Isa siyang manggagawa at mag – aaral na nakatira sa Espanya ngunit sa Pilipinas piniling magtapos ng pag – aaral.
Ibinigay ni Macaraig ang magandang balita na ang kurang si Padre Irene ay sumasang – ayon at sumusuporta sa kanilang layunin. Batid nila na ang pasiya ni Don Custodio ang siya nilang kailangan sapagkat siya ay kabilang sa katas – taasang lipon ng paaralan. Katunayan, ang kanyang pasiya ang siyang didinggin at susundin ng mga namumuno sa bayan kaya mahalaga ang kanyang pagpayag para sa mga mag – aaral na ito. Nais nilang gawin ang lahat para matuloy ang pagtatayo ng akademiya. Naisip nila na hingiin ang tulong ng dalawang tao. Una, si G. Pasta na isang manananggol at ang ikalawa ay si Pepay na isang mananayaw at malapit na kaibigan ni Don Custodio. Nagkasundo ang lahat na humingi ng tulong kay G. Pasta upang maging marangal ang paraan na kanilang gagamitin upang makumbinsi si Don Custodio na payagan ang pagtatayo ng akademiya ng wikang kastila.
Keywords: Macaraig, akademiya, Don Custodio
Mga Tauhan ng Kabanata 14 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/2152756
#LearnWithBrainly
13. Buod kabanata 13 El filibusterismo
Kabanata XIII
Ang Klase sa Pisika Buod
Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.
Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.
Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila.
Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.
Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon?
Bulong ni Pelaez: Bibingka!
Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro.
Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido.
Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama?
Iyan ang sabi ng aklat,Padre?
Ang tinggang puti ba ay kalaing?
Sabi po ng aklat.
Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre?
Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase.
Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon.
Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido.
"A... pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!" panunuya pa ng Pari.
Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam .
Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.
https://brainly.ph/question/297714
https://brainly.ph/question/515566
https://brainly.ph/question/1439154
14. kabanata 32 buod el filibusterismo
Kabanata 32 ng El Filibusterismo sa pinamagatang Ang Bunga ng mga Paskil
Buod:
Marami ang hindi nakasulit sa eksamin na ibinigay ng serbisyo Sibil, natuwa pa si Tadeo, sinigaan ang kanyang mga aklat, Si Pelaez naman ay napatali sa negosyo ng kanyang ama. Nagtungo naman sa Europa si Makaraig. Si Isigani naman ay sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit, si Salvador naman ay nakapasa dahil sa kahusayan nito magtalumpati.Tanging si Basilio lamang ang hindi nakakuha ng pagsusulit sapagkat siya ay nasa piitan.Doon niya nabatid ang pagkawala ni tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiyago na nabili ng ama ni Pelaez.Mula noon ay naging madalas si Smoun sa tindahan ng mga Pelaez na sabi ng iba ay pinakisamahan na niya. At tumagal nga ilang linggo ay nabalitaang ikakasal si Juanito kay Paulita . at lahat ay naghihintay sa kasal ng dalawa sapagkat si Simoun daw ang mamahala.
i-click ang link para sa karagdagang kaalamn tungkol sa El Filibusterismo
. https://brainly.ph/question/110836
. https://brainly.ph/question/582432
. https://brainly.ph/question/2110865
15. kabanata 4 el filibusterismo buod
El Filibusterismo Kabanata 4
"Kabesang Tales"
Buod:
Si Kabesang Tales na anak ni Tandang Selo na siyang umampon naman kay Basilio noong ito ay nasa gubat pa,Si kabesang Tales na ama ng dalagang si Huli, Siya ay kabesa de baranggay.Siya ay yumaman dahil sa tiyaga.Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid,ngunit ng siya ay makaipon ng kaunti naghawan ng gubat na alam niyang walang nag mamay-ari, pinagyaman niya nito.At naisip niya na pag aralin si Huli sa Maynila upang ito ay makapantay kay Basilio.Ngunit ng umunlad ang bukid na kanyang sinasaka ito naman ay inangkin ng mga prayle.Pinabuwisan ito kay Kabesang Tales noong una siya ay nakakabayad ngunit tinaasan naman ng tinaasan ng mga prayle ang buwis hanggang sa hindi na ito makaya ni Kabesang Tales.Kaya nakipag-asunto siya sa mga Prayle.
Ayon kay kabesang Tales Binungkal ko at tinaniman ang lupang ito,namatay at nalibing dito ang aking asawa at anak na dalaga,sa pagtulong sa akin kayat hindi ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna sa kanyang mga asawat mga anak
At binantayan na nga ni kabesang Tales ang kangyan bukid. Lagi na siyang may sakbat na baril . at hindi makakapasok doon ang sinuman dahil balita nga si Kabesang Tales sa pagbaril.nagdala siya ng gulok,ipinabawal ang gulok,nagdala naman siya ng palakol. at si Kabesang Tales nga ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos, Si Huli na anak niya ay isinangla ang mga alahas para matubos ang ama,maliban sa isang agnos na pag mamay ari ni Maria Clara.Ngunit hindi nagkasya ang kanyang naipong pera kaya siya ay nagpasya na mangutang kay Hermana Penchang kapalit nito ang paninilbihan niya dito bilang utusan.Sa mismong araw ng Pasko ay magsisimula ng manilbihan si Huli kay Hermana Penchang
buksan ang link para sa karagdagang kaalaman sa El Filibusterismo
https://brainly.ph/question/2078009
https://brainly.ph/question/513271
https://brainly.ph/question/538781
16. Kabanata 8 buod ng el filibusterismo Tauhan Tagpuan Aral
Kabanata 8 buod ng el filibusterismo
Tauhan : Huli= ang kasintahan ni Basilio ang nagpaalila kay Hermana Penchang, Hermana Penchang= ang pinag linkuran ni Huli,Tandang Selo= ang ama ni kabesang Tales napipi dahil sa kapighatiang dinanas ng kanyang pamilya
Tagpuan : Sa bahay ni Kabesang Tales sa nayon ng Sagpang, Bayang ng Tiani kanugnog ng San Diego, Simbahan ng San Diego
Aral: nasa tao ang gawa nasa diyos ang awa. kahit hindi naghimala ang mahal na birhen kay huli ay tuloy parin ang kanyang pananalig
Buod : Hindi naghimala ang birhen. Ni hindi nagbigay ng karagdagang salapi na kailangan ni Huli,natuloy si Huli sa pamamasukan kay Hermana Penchang ( iyon ay araw ng pasko) dahil sa mga kapighatian na sinapit ng kanyang pamilya si Tandang Selo ay napipi
i-click ang link para sa karagdagang kaalaman sa el fili
https://brainly.ph/question/110836
https://brainly.ph/question/582432
https://brainly.ph/question/2110865
17. ....El filibusterismo kabanata 10 buod.....
El Filibusterismo
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Buod:
Pansamantalang nanirahan si Simoun sa tahanan ni kabesang Tales. Lubhang mahirap ang buhay ng kabesa kaya naman marami ang nagtaka ng magdesisyon si Simoun na dito manirahan. Ang bahay na iyo ay naging bahay kalakal para sa mga alahas niya. Kaya naman maraming mayaman ang dumayo upang mamili ng alahas at sa tuwing nakikita ni kabesang Tales ang mga iyon ay natutukso siyang magnakaw. Naisip niya na isa man lang sa piraso ng mga iyon ay maaari na niyang matubos si Huli sa pagiging alila nito kay Hermana Penchang. Habang tumitingin ng alahas ay nilapitan ni Sinang at ng kanyang mga kasama nito ang kuwints na pagmamay - ari ni Maria Clara. Nais niya iyon bilhin subalit pigil si kabesang Tales na iyon ay ibenta sapagkat iyon ay regalo ni Basilio sa kanyang si Huli. Sinabi niya na isasangguni muna kay Huli ang tungkol dito.
Lumabas ng bahay si kabesang Tales at nakita ang bagong nagmamay - ari ng kanyang lupa. Tumindi ang silakbo ng kanyang damdamin kaya naman kinuha niya ang rebolber ni Simoun at umalis. Iniwan niya ang isang liham na nagsasabing baon niya nag rebolber at siya ay sasama sa mga tulisan. Binigyan niya ng babala si Simoun na mag - ingat sapagkat ang mga tulisan ay nagnanais na makuha ang kanyang mga alahas. Nang gabing iyon ay napabalita ang pagpatay sa kura, ang lalaking gumagawa sa lupa ni Tales at ang kanyang asawa. alam ng lahat na ang tanging gumawa noon ay si kabesang Tales.
18. Kabanata 29 el filibusterismo buod?
Kabanata 29: Ang Huling Pati-Ukol kay Kapitan Tiago
Naging abala ang marami sa libing ni Kapitan Tiago. Ang kanyang mga naiwang kayamanan ay napunta sa Sta. Clara, sa mga arsobispo, sa Papa, at mga pari. Ang natirang 20 piso ay napunta sa mga estudyanteng mahirap. Ang 25 pisong pamana kay Basilyo ay inalis ni Kapitan Tiyago, ngunit isinauli rin ni Padre Irene.
Maraming usapin sa burol ni Kapitan Tiyago, gaya ng nakita ang kaluluwa ito na nanliliwanag. Ito raw ay utang sa mga napamisa niya. Ang iba naman ay nakita ang kaluluwa niyang hawak ang panabong na manok. Sinabi ng iba na hahamunin daw ni Kapitan Tiago si San Pedro ng sabong.
Naging marangya ang kanyang libing. Maraming winisik na agua bendita at mga insensong sinunog. Mayroon ding padasal at paawit. Kaya naman ang mortal na katunggali niyang si Donya Patrocinio ay lubang nainggit na nais na rin niyang mamatay upang marangya ring mailibing.
Upang basahin ang aral ng kabanata, magtungo sa link na ito: https://brainly.ph/question/1319910
19. El filibusterismo kabanata 35 buod
Ang kabanata 35 ng El Felibusterismo ay umiikot sa isang pagdiriwang na dinaluhan ng halos lahat ng miyembro ng alta-sociedad kabilang na ang Kapitan Heneral. Nandoon din si Simoun na may bitbit na lampara na sobrang nagustuhan ng lahat. Inilagay niya ito sa gitna ng mesa at umalis din ng di namamalayan ng iba. Ngunit biglang namatay ang lampara. Nagsigawan ang lahat at bigla may kumuha ng lampara at tumakbo papunta sa ilog. Hindi ito nakilala ng lahat.
20. kabanata 34 el filibusterismo buod
Answer:
Ang Kasal
Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi.
Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara.
Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
#BrainlyFast
21. El filibusterismo kabanata 36 buod
Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral.
Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari.
Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan.
Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.
May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan. Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob.
Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Nguni’t si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya. Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.
ANG KABANATA 36 ng EL FILIBUTERISMO ay naglalaman ng kwento tungkol kay BEN ZAYB na siyang nagkalat ng hindi totoong impormasyon ukol sa kanyang nakita na sugatan na padre na si Padre Camorra. Ipinapakita dito sa kabanatang ito na walang katapatan ang mga mambabalita noong unang panahon.
Dagdag impormasyon:
https://brainly.ph/question/399738
https://brainly.ph/question/1894061
https://brainly.ph/question/1256322
22. kabanata 33 el filibusterismo buod
Buod ng Kabanata 33 ng El Filibusterismo
Kabilang sa buod ng kabanata 33 ng El Filibusterismo ay ang dalawang pangunahing tauhan na sina Simoun at Basilio. Nag-iimpake na noon ang alaherong si Simoun ng kanyang mga armas at alahas. Nabanggit rin sa kabanata 33 ng El Filibusterismo na ayaw nang manatili pa ng Kapitan Heneral sa Pilipinas dahil sa takot na kung ano pa ang masabi ng mga nakatira rito. Nakasaad rin sa buod ng kabanata 33 ng El Filibusterismo na hinhintay ni Simoun ang pagdating ni Basilio.
Karagdagang Mahalagang Kaalaman sa Buod ng Kabanata 33 ng El FilibusterismoBatid ng mga tao na may balak umalis si Simoun. Narito ang kanilang mga haka-haka:
Sa paglisan ng Kapitan Heneral, aalis na rin si Simoun sapagkat wala nang magtatanggol sa kanya laban sa mga inapi nito.Samantala, ang iba naman ay naniniwalang lilisan na si Simoun dahil naubos na ang mga kayamanang kanyang mapagsasamantalahan.Naisip naman ng iba na ito ay mananatili dahil ayaw niyang mahiwalay sa kanyang biktima.Hindi nagtagal ay dumating na rin si Basilio. Narito ang kanilang mga napag-usapan:
Nang makulong at makalaya, nagbago ang isip ni Basilio at sumang-ayon na ito sa plano ni Simoun.Dinala ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo at doon ipinakita ang mga kemikal na gagamitin sa gabi ng rebolusyon.Nakalagay sa isang lampara ang nitroglycerin na gagamitin sa piyesta sa gabing iyon.Kapag narinig ng mga kasapi ni Simoun sa bundok ang pagsabok ay susugod ang mga ito sa siyudad.Ang trabaho ni Basilio ay dadalhin ang mga tao sa bahay ni Quiroga kung nasaan ang armas ni Simoun.Si Basilio rin ang papatay sa mga taong lalaban sa kanila at sa mga hindi makikiisa.Binigyan ni Simoun ng baril si Basilio at nagplanong magkikita sa harap ng simbahan.Basahin naman ang mga nangyari sa Kabanata 14 ng El Filibusterismo dito: https://brainly.ph/question/2573807#
23. El Filibusterismo kabanata 17 buod
Ang pamagat ng Kabanata 17 ng El Filibusterismo ay “Ang perya sa Quiapo.”
Isang gabi ay nagpasiyang lumibot ang 12 tauhan na nagmula sa bahay ni Quiroga sa perya papunta sa kubol ni Mr. Leeds. Habang papunta sa perya nakita ni Padre Camorra ang naggagandahang mga dalaga sa perya, at kasabay pa nito nakita niya si Paulita kasama sina Isagani at Donya Victorina. Nabanggit niya tuloy na kalian daw kaya siya magiging kura sa Quiapo, at sabay kurot sa tiyan ni Ben Zayb.
Pinasok nila ang isang tindahan ng mga nililok na mga imahe at mga kuwadro. Inihahawig nila ang isa’t-isa sa mga nakikita nilang nililok na imahe o eskultura. May mga nakita silang kuwadro na kapansin-pansin ang mga paglalarawan at kanila itong pinagtatawanan.
Sa huli ay may nakita silang kahawig ni Simoun, nguni’t hindi nila makita ang mag-aalahas. Nasabi ni Padre Camorra na baka natakot itong pagbayarin siya sa pagpasok at paglabas sa kubol ni Mr. Leeds. Ayon naman kay Ben Zayb, baka natakot daw na matuklasan nila ang lihim ng kaniyang kaibigan na si Mr. Leeds.
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/2135429
https://brainly.ph/question/2115745
https://brainly.ph/question/2117776
24. el filibusterismo kabanata 1 buod
Answer:
San po ung tanong?
Explanation:
Answer:
buod
Explanation:
Umaga ng disyembre.Sa ilog pasig ay sumasalunga bapor tabo.Lulan nito sa kubyerta sina Don Costodio,Ben Zayb,P. irene,P. Salvi,Donya Victoria,Kap.Heneral at Simoun.
Napagusapan ang pagpapalalim ng ilog pasig.Mungkahi ni Don Costodio:mag-alaga ng itik.Ani Simoun namang kilalang tagapagpayo ng kap.Heneral:gumawa ng tuwid na kanal na maguugnay sa lawa ng laguna at sa look maynila.NAgkasagutan sila Don COstodio at ng ilang pari.Ayaw ni Donya Victoria na matuloy ang pagaalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
25. El filibusterismo kabanata 3 buod
El Filibusterismo Kabanata 3: Mga AlamatBuod
Ang grupo na nasa taas ng kubyerta ay nagbibirian at nakikipagaaya. Ang kanilang pinaguusapan ay ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik tungkol sa kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento tungkol sa iba't ibang mga alamat. Ito ay ang malapad na bao na tinutuluyan ng espiritu bago pa dumating ang mga kastila; pangalawa, tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahan niya na papakasalan ay nag-arsobispo; Nakipagtalo si Simoun sa dahil sa ginawa kay Donya Geronima na ikinulong sa isang kweba; ang pagligtas ng isang intsik sa panginoong hindi niya pinaniwalaan dahil sa isang buwaya na demonyo na lumabas; ang huli ay tungkol sa isang ibarra na tumalon sa may lawa, siya'ay binaril at nagkaroon at puno ng dugo ang lawa at hindi na siya nakitang muli.
Anong aral ang matututuhan natin sa kabanatang ito?
Ang aral na makukuha natin dito na ang alamat ay alamat. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay ang alamat ay hindi totoo.
Nasa tao na kung siya ay maniniwala o hindi. May hindi magandang epekto rin kapag ang isa ay mapaniwalain sa mga alamat na kwento. Kaya mas mabuti kung magpopokus ang isa sa mga makatotohanang kwento dahil mas kapakipakinabang ito.
Nasa tao na kung siya ay maniniwala o hindi.
Para sa higit pang impormasyon, pakisuyong bisitahin ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/733174https://brainly.ph/question/1379031https://brainly.ph/question/210018926. Pinaka Buod ng el filibusterismo kabanata 1-8
Answer:
Answer:
Kabanata I
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buod
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik.
Explanation:
baka naman pa brainliest
27. ano ang buod ng kabanata 8 ng el filibusterismo
Answer:
Kabanata 8 El Filibusterismo – “Maligayang Pasko”
Explanation:
naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
28. kabanata 30 el filibusterismo buod
Narito ang buod ng Kabanata 30 ng nobelang El Filibusterismo na "Si Huli"
Kumalat agad ang balitang inilibing na si kapitan Tiago at nadakip si Basilio. Nang malaman ni Huli ang balita, naisip niyang siya ang dahilan ng pagkahuli ng binata. Nalaman din ito ng mga kamag-anak ni Basilio anupat nag-ambagan ang mga ito. Lumapit naman si Huli sa Hukom tagapamayapa para humingi ng tulong ngunit sinabing kay Padre Camorra lumapit. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang pumunta sa pari. Kinagabihan ay kumalat na ang balitang tumalon si Huli sa bintana ng kumbento at namatay ito.
https://brainly.ph/question/1296159
https://brainly.ph/question/2148434
https://brainly.ph/question/1394537
29. El filibusterismo kabanata. 13 buod
El Filibusterismo
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Buod:
Ang kabanatang ito ay nagsimula sa paglalarawan ng silid aralan ng klase sa pisika. Ipinakita rito ang pagpapahalaga ng mga guro sa mga kagamitan na nasa loob ng isang aparador na may salamin at nakasusi. Ang mga gamit na nasa loob ng aparador ay nagsisilbing tila palamuti lamang sapagkat ni hindi ito nagagamit o nahahawakan man lamang ng mga mag aaral. Hindi lamang ang mga gamit na ito ang halos walang gamit kundi pati ang mga guro na nagtuturo sa paaralang ito. Tulad na lamang ni Padre Millon na isang batang Dominiko na nagtapos ng pilosopiya sa kolehiyo ng San Juan de Letran ngunit itinalaga bilang guro ng pisika.
Ang uri ng pagtuturo ni Padre Millon ay nakabatay sa kung ano ang ipinapakita ng mga mag aaral. Ang una niyang sinubok ay ang antuking mag aaral. Ngunit dahil hindi ito nakikinig ay hindi ito nakasagot. Ininsulto ito ng guro at matapos ay tinawag si Pelaez matapos na marinig na ito ay tumugon ng pabulong sa kanyang huling tanong. Sapagkat madalang pumasok sa paaralan ay halos maisagot si Pelaez at tinatapakan ang paa ng kamag aral na si Penitente upang humingi ng sagot. Napalakas ang boses ni Placido sa pag dikta ng sagot kaya naman siya ang binalingan ng guro. Maging si Placido ay nalito sa kanyang tugon kaya naman inulan ito ng guro ng mura. Nasakatan si Placido sa lahat ng masasakit na narinig mula sa guro kaya't ito ay umalis ng walang paalam. Nagulat ang lahat sa kanyang ginawa at natapos ang klase ng ang lahat ay puno ng pagtataka. Natapos ang klase sa pamamagitan ng isang sermon mula sa guro at umuwi ang lahat ng mag aaral ng walang anumang natutunan.
Read more on
https://brainly.ph/question/2116054
https://brainly.ph/question/2135077
https://brainly.ph/question/2107208
30. el filibusterismo kabanata 26 buod
Answer:
Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado.
Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan.
Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.
Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.
Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan.
Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.
Aral na makukuha sa Kabanata 26:
Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.
#Keeponlearning